Ipagdarasal Kita
Ang puso ko'y nagdaramdam
Sa nalalapit mong paglisan
Ngunit bago mo ako iwanan
Ang panata ng puso ko ay pakinggan
Pagdarasal kita
Oras-oras araw-araw
Idadalangin ko
Ang iyong kaligtasan
At sa paglakad mo
Ay kapiling mo hirang
Ang kaluluwa ko't pusong
Sayo'y nagmamahal lamang
Huwag mo sanang limutin
Ang sumpa mong binitiwan
Na ang puso mo'y akin
At di maaagaw
Habang ako ay naritong lumuluhang naghihintay
Kita'y pagdarasal
Habang ako ay naritong lumuluhang naghihintay
Kita'y pagdarasal