Kung


Kung iisipin malabong matupad
Kung iibigin mahalin kaya
Kung hahanapin ikaw ba'y darating
Kusang magsasabing ako'y mahal rin

Iyan ang nasa isipan ko
Kung kaya't nalilito
Sana ay malaman mo
Ang nasa damdamin at

Kung sakaling lumayo
Laman ka ng aking puso
Di ito magbabago
Iyan ang pangako ko

Oh

Kung lilimutin maaring masaktan
Luha ay dadaloy nang dahan-dahan
Kung nanaising maaring matupad
Sa aking piling magbalik ka kaya

Iyan ang nasa isipan ko
Kung kaya't nalilito
Sana ay malaman mo
Ang nasa damdamin at

Kung sakaling lumayo
Laman ka ng aking puso
Di ito magbabago
Iyan ang pangako ko

Iyan ang pangako ko
Kung iisipin malabong matupad
Sa aking piling magbalik ka na
Magbalik ka na