Ngayong Kapiling Na Kita


Maging sa hirap man o sa ginhawa
Asahan mong tayo ay magsasama
Tunay na tanging ikaw ang pag-asa
Ng puso ko hanggang may buhay
Minamahal kita

Ngayong kapiling na kita
Ligaya'y aking nadama
At habang ako'y mayrong hininga
Mamahalin kita sa tuwina

Laging ikaw ang tanging alaala
Sa buhay ko ang ligaya ko ay ikaw
Minamahal kita at di na magbabago
Tunay ang pag-ibig ko sayo
Manalig ka sinta

Ngayong kapiling na kita
Ligaya'y aking nadama
At habang ako'y mayrong hininga
Mamahalin kita sa tuwina

Ngayong kapiling na kita
Ligaya'y aking nadama