Pag-Ibig Ikaw Ang May Sala


Wala na yatang nalalabing pag-asa
Ang aking pusong napasadlak sa dusa
Pusong may laya't sagana sa ligaya
Ngayo'y may sugat at lumuluha pa

Ang aking langit na dati aliwalas
Ngayo'y malasi't makulimlim sa ulap
Masdan ang pusong iyong binihag
Ngayo'y ulila't laging umiiyak

Pag-ibig ikaw nga ang may sala
Sa aking labis na pagdurusa
Puso ko'ng tinuruan sa pagsinta
Bakit mo iniwang may dusa

Pag-ibig irog ko ay hanapin
Sabihing magbalik na sa akin
Asahang puso ko'y tuluyang mababaliw
Kung hindi makakapiling ang dating giliw

Asahang puso ko'y tuluyang mababaliw
Kung hindi makakapiling ang dating giliw