Pag-Ibig Mo'y Tanging Ako


Ang puso kong namamanglaw
Inakay mo sa liwanag
Binigyan mong kulay ang buhay ko
Sinabi mong kailangan mo ako
Inibig mo ako

Ang luha ko mga pagdaramdam
Sa piling mo'y agad nalimutan
Inibig mo ang kapintasan ko
Hindi mo pinansin ang wika ng mundo
Pag-ibig mo'y tanging ako

Kay hirap unawain dilim ng magdamag
Napawi na dahil sayo
At ang puso kong dati'y sawing nagmamahal
Dahil sayo'y ligaya ang hinaharap

Ang puso kong namamanglaw
Inakay mo sa liwanag
Binigyan mong kulay ang buhay ko
Sinabi mong kailangan mo ako
Inibig mo ako

Ang luha ko mga pagdaramdam
Sa piling mo'y agad nalimutan
Inibig mo ang kapintasan ko
Hindi mo pinansin ang wika ng mundo
Pag-ibig mo'y tanging ako
Pag-ibig mo'y tanging ako