Pangarap Na Pag-ibig
Matagal na rin akong pinaghintay
Ng panahon sa iyong pagmamahal
Buong akala ko'y walang katuparan
Pinangarap kong pag-ibig mo hirang
Kung sa akin man ikaw ay naghintay
Damdamin ko'y ikaw pa rin ang siyang mahal
Pag-ibig ko sayo'y akin pa ring taglay
Di na maglalaho walang kapantay
Ang pangarap na pag-ibig
Na ngayon ay ating nakamit
Mga pagsubok sa ating buhay
Hindi naging hadlang
Ang pangarap na pag-ibig
Na ngayon ay ating nakamit
Ang aking puso at ang puso mo
Ay iisa lamang
Tunay na kay ganda ng ating buhay
Kung ikaw ang siyang kapiling ko mahal
Tanging dalangin ko sa ating Maykapal
Huwag nang mawalay sa aking buhay
Ang pangarap na pag-ibig
Na ngayon ay ating nakamit
Mga pagsubok sa ating buhay
Hindi naging hadlang
Ang pangarap na pag-ibig
Na ngayon ay ating nakamit
Ang aking puso at ang puso mo
Ay iisa lamang
Ang pangarap na pag-ibig
Na ngayon ay ating nakamit
Ang pangarap na pag-ibig