Sa Aming Muling Pagkikita


Sa aming muling pagkikita
Sabik na ako'y umasa
Ang pagsuyo mo sa akin sinta
Lubusan ko'ng madarama

Sa aming muling pagkikita
Pangarap ko ay ligaya
Ang pusong sabik sa iyong paglingap
Sa tuwina ay hinahanap

Ngunit naglaho ang pag-asa
Puso'y sinawi mo sinta
Luha ang naging kaulayaw
Ng puso ko'ng nagmamahal

Sa aming muling pagkikita
Ligaya'y aking nadama
Ngayo'y nagbalik ang iyong pagsinta
Na tangi ko'ng pag-asa

Ngunit naglaho ang pag-asa
Puso'y sinawi mo sinta
Luha ang naging kaulayaw
Ng puso ko'ng nagmamahal

Sa aming muling pagkikita
Ligaya'y aking nadama
Ngayo'y nagbalik ang iyong pagsinta
Na tangi ko'ng pag-asa
Na tangi ko'ng pag-asa