Tapat Na Pag-Ibig


Ako'y sadyang nananalig
Sa matapat na pag-ibig
Kapag ito ay nasambit
Ligaya ko'y hanggang langit

Pag-ibig ko'y isa lamang
Habang ako'y nabubuhay
Ang nais ko sa sumpaan
Ay madala hanggang hukay

Pag ako'y umibig
Magpahanggang-langit
Kung siya ang magtaksil
Ako'y handang magtiis

Ang matapat sa suyuan
Sinasambang walang hanggan
Ang pagsintang salawahan
Parang bulang napaparam

Pag ako'y umibig
Magpahanggang-langit
Kung siya ang magtaksil
Ako'y handang magtiis

Ang matapat sa suyuan
Sinasambang walang hanggan
Ang pagsintang salawahan
Parang bulang napaparam