Unang Halik
Unang halik anong tamis
Ito kaya ay pag-ibig
Unang halik sa isang saglit
Tila ako'y nasa langit
Hindi alam ng nanay ko
Na ako ay mayrong nobyo
Pag ito'y nalaman ay tapos na hirang
Ating pagmamahalan
Ang mahirap lang sa magulang ko parang di naging bata
Ang umibig ka at ibigin ka ay hindi maiwasan ninoman
Ako'y takot sa nanay ko
Baka ako ay mabisto
Ang gulang ko'y labing-pito
Wala pa raw sa estado
Baka kaya limot na niya
Ang lumipas niyang pagsinta
Nang siya'y ligawan ng mahal kong tatang
Siya'y labing-anim lamang