Dakila Ka
Nagpapatawad sa nagkasala
Na itutuwid ang pagkakamali
Nagpapabago sa naliligaw
Tagapagligtas sa bawat oras
Dakila ka ika'y walang hanggan
Ika'y banal magpakailanman
Sa pag-ibig sa kabutihan
Ang lahat lahat sayo
Ay di mapapantayan
May himala bawa't mong salita
Kumakalinga sa bawa't nilikha
Tanging gabay ng bawat' buhay
Pagmamahal ang lagi ang inaalay
Dakila ka ika'y walang hanggan (dakila ka)
Kita'y mahal magpakailanman
Dumadalangin maglilingkod sayo aking Panginoon
Dakila ka Panginoon dakila ka (dakila ka)
Buong puso ko at damdamin
Matimtim na dumadalangin
Sayo Panginoon
Dakila ka ika'y walang hanggan
Kita'y mahal magpakailanman (magpakailanman)
Sa pag-ibig sa kabutihan
Ang lahat lahat sayo
Ay di mapapantayan
Dakila ka Ika'y walang hanggan
Ika'y mahal magpakailanman
Dumadalangin maglilingkod sayo aking Panginoon
Dakila ka Panginoon dakila ka (dakila ka)