Sagwan
Ang buhay ko ay parang
Isang bangkang naglalayag
Sa gitna ng dagat
Naliligaw na ng landas
Madilim na ang langit
Panahon ay masungit
Ang ihip ng hangin
Nagbabadya nang panganib
Hindi matatakot
Kasama kita o Dios
Sa bawat sagwan
Salita mo ang sandigan
Alam kong hindi mo iiwan
Anoman ang hadlang
Bagyo man ay dumaan
Malaking alon malalampasan
Dahil kasama kita
Panginoon sa bawat sagwan
Sa gitna ng unos
Patuloy lang ang agos
Ng buhay kong ito
Nananalig sa ’yo
O Panginoon (o Panginoon)
Ikaw ang aking gabay
Sa aking paglalakbay
Patungo sa ’yong liwanag
Hindi matatakot
Kasama kita o Dios
Sa bawat sagwan
Salita mo ang sandigan
Alam kong hindi mo iiwan
Anoman ang hadlang
Bagyo man ay dumaan
Malaking alon malalampasan
Dahil kasama kita
Panginoon sa bawat sagwan
Palapit ng pangpang
Alam kong may yakap
Na sa’kin ay nag-aabang
Mula sa ’yo o Dios
Sa bawat sagwan
Salita mo ang sandigan
Alam kong hindi mo iiwan
Anoman ang hadlang
Bagyo man ay dumaan
Malaking alon malalampasan
Dahil kasama kita
Panginoon
Sa bawat sagwan
Salita mo ang sandigan
Alam kong hindi mo iiwan (sa bawat sagwan)
Anoman ang hadlang
Bagyo man ay dumaan (kasama kita)
Malaking alon malalampasan
Sa bawat sagwan