Sa Di Mabilang Na Tala


Kumikinang nangingibabaw
Sa ilaw mong dala’y sadyang napukaw
Damdamin ay nabihag mo
Liwanag mo’ng pumupuno

Ika’y busilak kumukutitap
Sa langit ay tila nagpapasikat
Sinasamsam ang iyong ganda
Dama’ng buntong hininga

Sadya bang ilaw mo’y iba
Sa puso ko ikaw ang nagdidikta
O sapat na bang kita’y sinasamba

Sa ‘di mabilang na tala
Kislap mo ay litaw
Ako’y tunay na pinagpala
Pag-ibig ay ikaw
Sa dami ng bituin sa langit
Iisa ang iyong ningning
O natatangi ka sa ‘di mabilang na tala

Minsa’y humihiling minsa’y nagpapaubaya
Pangako mo sa‘ki’y wagas na ligaya
Panatag sa tanggulan mo
Ako’y iyong-iyo

Sadya bang ilaw mo’y iba
Sa puso ko ikaw ang nagdidikta
O sapat na bang kita’y sinasamba

Sa ‘di mabilang na tala
Kislap mo ay litaw
Ako’y tunay na pinagpala
Pag-ibig ay ikaw
Sa dami ng bituin sa langit
Iisa ang iyong ningning
O natatangi ka sa ‘di mabilang na tala

Nais kong malaman mo
Sa ’yo’y walang papantay
Kulang ang buhay ko
Sa buhay mong inalay
Binibigyang pugay ang ngalan mo

Sa ‘di mabilang na tala
Kislap mo ay litaw
Ako’y tunay na pinagpala
Pag-ibig ay ikaw
Sa dami ng bituin sa langit
Iisa ang iyong ningning
O natatangi ka sa ‘di mabilang na tala