Ikaw


Ikaw ang liwanag pagkatapos ng ulan
Ikaw ang umaga ng gabing nagdaan
Ikaw ang nagtakda ng simula’t katapusan
May tangan ng ngayon at kailanman

Ikaw ang pag-ibig na hindi magwawakas
Ang ilaw at patnubay
Sa liku-likong landas
Ikaw ang tagsibol sa panahon ng taglagas
Pagsuyo mo’y busilak at wagas

Ikaw ang kasama nang tumalikod ang lahat
Ikaw ang bumuhat ng pasan kong kay bigat
Ang alay mo’y patawad ‘di man ako karapat-dapat
Ikaw ang kaibigan kong tapat

Ngiti kang papawi sa luhang papatak
Nagtatagong galak sa likod ng pag-iyak

Ikaw ang kasama nang tumalikod ang lahat
Ikaw ang bumuhat ng pasan kong kay bigat
Ang alay mo’y patawad ‘di man ako karapat-dapat
Ikaw ang kaibigan kong tapat

Ikaw ang kaibigan kong tapat